LOOK: Konstruksyon ng PCG Quarantine Facility patapos na
Halos patapos na ang konstruksyon ng PCG Quarantine Facility sa Coast Guard Base sa Taguig Ciity.
Ayon sa update ng Department of Transportation (DOTr) 99 percent nang kumpleto ang proyekto.
Inaasahan na matatapos na ang proyekto sa susunod na linggo, kasabay ng pagdidiriwang ng ika-119th na anibersaryo ng Philippine Coast Guard.
Malaking tulong ang operasyon ng pasilidad para sa mga PCG frontline personnel na patuloy na sumasabak sa giyera laban sa COVID-19.
Sa pinakahuling ulat ng Coast Guard Medical Service, nasa 85 na PCG personnel pa po ang patuloy na nagpapagaling sa COVID-19.
Samantala, 21 naman ang naitalang kaso ng reinfection, kung saan 16 sa kanila ang matagumpay na naka-recover sa ikalawa at ikatlong kaso ng reinfection. (END)