LOOK: Karagdagang 38,400 doses ng AstraZeneca vaccines dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang karagdagang doses ng COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca.
Linggo (March 7) ng gabi nang lumapag sa
NAIA Terminal 3 ang commercial plane na KLM Asia lulan ang karagdagang 38,400 vaccine doses mula sa AstraZeneca
Ang nasabing mga bakuna ay bahagi ng inisyal na 525,600 doses mula sa Covax facility.
Magugunitang noong March 4 ay nauna nang dumating ang 487,200 doses ng bakuna.
Sinalubong nina Sec. Carlito Galvez, MIAA General Manager Ed Monreal at mga opisyal mula sa Department of Health ang pagdating ng mahigit 30,000 doses ng AstraZeneca vaccine.