LOOK: Iba’t ibang grupo nagsagawa ng pagkilos sa harap ng PUP Main Campus sa Sta. Mesa, Maynila
Nagsasagawa ng pagkilos ang iba’t ibang grupo sa harap ng PUP Main Campus sa Sta. Mesa, Maynila
Ito ay para kondenahin ang panukalang i-terminate ang DND-PUP accord.
Nagtipon-tipon ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines o PUP at ilang youth groups ngayong araw.
Kabilang sa isinagawang indignation rally ang iba’t ibang grupo gaya ng Anakbayan, Panday Sining, League of Filipino Students at iba pa.
May mga bitbit silang placards kung saan nakasaad ang mgakatagang “AFP, PNP not welcome in PUP”, “Defend academic freedom”, “Duterte Patalsikin” at iba pa.
Kahapon ay umani ng pagkondena at batikos ang panukala ni Duterte Youth partylist Rep. Ducielle Cardema na ipa-terminate ang naturang accord sa PUP.
Ito ay kasunod ng ginawang desisyon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na i-terminate na ang accord sa University of the Philippines o UP. (D. Cargullo)