LOOK: Chocolate Lover sa QC pansamantalang isinara
Pansamantalang ipinasara ng Business Permits and Licensing Department ng Quezon City Government ang Chocolate Lover.
Ang naturang establisyimento ay baking and confectionary art supplies store.
Ayon sa QC LGU, sasailalim sa disinfection at sanitation ang pasilidad.
Sinabi ng BPLD na papayagang magbalik-operasyon ang establisimyento kapag nakakuha ng sanitation at disinfection certificate.
Kailangan ding sumailalim muna sa COVID-19 tests ang kanilang mga empleyado. (END)