LOOK: Bulkang Taal muling nagbuga ng usok ayon sa Phivolcs
Muling nakapatala ng ang Phivolcs ng pagbuga ng usok sa Mt. Taal ang Phivolcs.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagbubuga ng usok ng bulkan dakong alas 6:43 ng umaga ngayong Martes, August 18.
Sinabi ng Phivolcs na 20 meters lamang naman ang taas ng ash plumes na ibinuga mula sa Main Crater ng bulkan.
Tumagal umano ng buong umaga ang pagbuga ng usok na nagdulot din ng cloud formation sa mainland Batangas.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa bulkan na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.