LOOK: Bike racks maari nang magamit ng mga pasahero ng MRT-3

LOOK: Bike racks maari nang magamit ng mga pasahero ng MRT-3

Nakapaglagay na ng bike racks sa ilang istasyon ng MRT-3.

Ayon sa Department of Tranportation (DOTr) Road Sector ang mga bicycle racks sa mga istasyon ng MRT-3 ay magagamit ng libre ng mga pasahero.

Target na makapaglagay ng kabuuang 34 bike racks sa lahat ng istasyon ng MRT-3 mula North Avenue station hanggang Taft Avenue station (both bounds).

Sa ngayon, mayroon nang tig-isang bicyle rack sa mga istasyon ng North Avenue, Quezon Avenue at GMA-Kamuning (lahat ay nasa Northbound).

Maaaring magamit ng mga pasahero ng libre ang mga bike racks araw-araw, sa oras ng revenue hours ng MRT-3.

Ang isang bicycle rack ay kayang maglagay ng limang bisikleta.

Pinapaalalahanan ng pamunuan ng MRT-3 ang mga gagamit ng libreng bike racks na iwasan ang pag-iwan ng mga mahahalagang gamit at maging maingat sa tuwing gagamit nito dahil hindi pananagutan ng MRT-3 ang anumang bagay na mawawala o masisira.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *