LOOK: Aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila 298 na lang
Nakapagtala pa ng bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos ng Manila Emergency Operation Center – COVID-19 Monitoring hanggang alas 12:00 ng tanghali ngayong Sabado, January 2 ay 298 na lang ang total active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot naman na sa 24,948 ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala.
Sa nasabing bilang, 23,900 ang gumaling na.
Umabot na sa 59,962 na residente ang naisailalim sa swab test sa Maynila.