LOOK: 6 na lugar sa Quezon City nakasailalim sa Special Concern Lockdown
Anim na lugar sa Quezon City ang nakasailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 makalipas ang nagdaang holiday season.
Sa inilabas na abiso ng Quezon City Government, 14 na araw ang pag-iral ng lockdown sa mga lugar.
Ayon sa QC LGU, partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi ang buong barangay.
Narito ang mga lugar na sakop ng pinaiiral na lockdown:
– bahagi ng Pingkian 1, Central B, Brgy. Pasong Tamo (simula noong January 14)
– No. 62 Agno Extension sa Brgy. Tatalon (simula noong January 16)
– No. 1 Salary Street, Brgy. Sangandaa (simula noong January 16)
– No. 54 Interior, Magsalin Street, Brgy. Apolonio Samson (simula noong January 17)
– 9C, 9D, 97 La Felonila Street, Brgy. Damayang Lagi (simula noong January 18)
– 24 Victoria Ave., Brgy. Tatalon (simula noong January 19)
Mamamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.
Ang mga residente sa mga lugar na naka-lockdown ay isasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine. (D. Cargullo)