LOOK: 4 na metrong taas ng putik naipon sa treatment basins ng Maynilad
Umabot sa apat (4) na metro ang naitalang taas ng naipong sludge o putik sa treatment basins ng Maynilad dahil sa Typhoon Ulysses.
Ayon sa Maynilad, katumbas ito ng humigit-kumulang na 20,000 drum ng putik.
Sinabi ng Maynilad na puspusan na ang paglilinis ng mga tauhan nito sa mga basin upang maibalik sa normal ang volume ng tubig na napo-produce sa mga planta.
Dahil sa naturang problema, nagpapatupad ng daily water interruption ang Maynilad sa ilang mga lugar simula pa kahapon, Nov. 18.