LOOK: 10 bahay naitayo na ng Red Cross para sa mga napinsala ng lindol sa Mindanao
Nakapagpatayo na ng 10 bahay ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa nangyaring malakas na lindol sa Mindanao noong nakaraang taon.
Ayon kay Red Cross Chairman at Sen. Richard Gordon, maliban sa 10 natapos na, nagpapatuploy pa ang konstruksyon ng kanilang Disaster Management team sa 15 pang mga bahay.
Sinabi ni Gordon na mahalaga ang rehiabilitasyon para matulungang makabangon muli ang naapektuhan ng malakas na lindol.
Tiniyak ni Gordon na magpapatuloy ang pag-asiste ng Red Cross hanggang sa magbalik sa normal ang buhay ng mga nawalan ng tirahan.
“Rehabilitation is important in helping our people start a new life and as a humanitarian organization, we will continue providing assistance until they are able to get back on their feet again,” ani Gordon. / END