Mga simbahan sa Quezon City isinailalim sa dalawang linggong lockdown

Mga simbahan sa Quezon City isinailalim sa dalawang linggong lockdown

Nagdeklara ng dalawang linggong lockdown ang Diocese ng Cubao para sa lahat ng nasasakupan nitong mga parokya.

Sa abiso ng Diocese of Cubao sa kanilang Facebook Page, ang lockdown ay sisimulan ng Lunes (March 22) at tatagal hanggang sa April 5, 2021.

Sa loob ng nasabing mga petsa ay kanselado ang pagdaraos ng lahat ng public masses.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, layunin nitong mahikayat ang mga mga mananampalataya na manatili lamang sa kanilang mga tahanan.

Bagaman nakalulungkot ang boluntaryong pagsasara ng mga parokya na sakop ng Diocesee of Cubao, sinabi ni Ongtioco na mulat ang simbahan sa kasalukuyang sitwasyon at hindi nito hahayaang malagay sa alanganin ang buhay ng mga mananampalataya.

Bagaman isasara ang pintuan ng mga simbahan, ipinaalala ni Ongtioco sa publiko ang pahayag ni Pope Francis na dapat panatilihing laging bukas ang puso kay Hesukristo.

Sa April 5, Easter Monday ay muling bubuksan ang mga simbahan sa ilalim ng Cubao Diocese para sa public worship.

Samantala, sa hiwalay na abiso ng Diocese of Novaliches, dalawang linggo ding isasara sa publiko ang lahat ng mga simbahan sa mga parokyang sakop nito.

Ayon kay Bishop Roberto Gaa, hinihikayat nila ang lahat mananampalataya na dumalo na lamang muna ng misa at iba pang spiritual acitivities sa pamamagitan ng online streaming simula Lunes, March 22.

Hinihikayat ang lahat na manatili na lamang sa bahay at iwasan ang lumabas.

Muling magre-resume ang church activities sa Dicoese of Novaliches sa April 4, Linggo ng Pagkabuhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *