Liquor ban ipatutupad sa Valenzuela City hanggang April 1
Simula Marso 16, 2021 hanggang Abril 1, 2021, ay muling ipapatupad ang Liquor Ban sa Valenzuela City.
Sa ilalim ng pag-iral ng liquor ban ay bawal muna ang pagbebenta, pagbili, pagbibyahe at pag-inom ng alak.
Bawal din na magpakalat-kalat sa pampublikong lugar ng lungsod ang mga lasing o nakainom.
Ayon sa Valenzuela City LGU, ito ay bahagi ng pag-iingat kaugnay sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.
Samantala, sa nasabi ring mga petsa ay hindi muna papayagang magbukas ang mga gym, fitness studios, massage parlors at iba pa.