Liquid waste sa Manila Bay natuklasang galing sa isang barko na MV Sarangani

Liquid waste sa Manila Bay natuklasang galing sa isang barko na MV Sarangani

Inumpisahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa liquid waste na nakita sa tubig ng Manila Bay.

Ayon sa PCG, nakita ito malapit sa Manila Yacht Club.

Inimbestigahan ng Marine Environmental Protection Group (MEPGRP) – Manila at ng PCG Sub-Station CCP ang MV Sarangani na hinihinalang pinagmumulan ng liquid waste.

Ayon sa PCG, sa tanging ang crewmember ng barko na si Escolastico Bunyi na nagsisilbing oiler at caretaker ang kanilang nadatnan.

Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ng PCG na ang pinagmumulan ng liquid waste ay ang cooling system ng MV Sarangani.

Kumuha na ng samples ang Coast Guard para matukoy kung ano ang sanhi ng water discoloration sa paligid ng barko.

Nagpalabas din ng Inspection Apprehension Report (IAR) sa may-ari ng MV Sarangani na si
Emil Neri dahil sa paglabag sa Memorandum Circular Number 01 – 2005 Paragraph 4 ng PCG kaugnay sa marine pollution.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *