Limang delivery riders na-scam sa Maynila; fake bookings ipinadala sa Office of the Mayor

Limang delivery riders na-scam sa Maynila; fake bookings ipinadala sa Office of the Mayor

Limang riders ang na-scam matapos magproseso ng pekeng food deliveries na nakapangalan kay Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang inorder at ipinadala sa Office of the Mayor.

Nakaproseso ang limang pekeng order sa iba’t ibang mobile delivery app gamit ang iba’t ibang international mobile number.

Ayon sa mga text messages na natatanggap mula sa number, nag-order di umano ang isang ‘Isko Domagoso Moreno’ ng iba’t ibang pagkain mula sa magkakaibang restaurant.

“Pakidala po sa mayors office thank you pa assist nlng po kayo,” bilin ng umorder sa mga delivery rider.

Umabot sa humigit-kumulang P5,000 ang halaga ng mga inorder na pagkain.

Binayaran na lamang ni Moreni ang mga pagkain sa riders at ipinamagi ang mga ito sa mga empleyado ng City Hall.

Ipinadala sa Cybercrime Division ng Manila Police District ang impormasyon para maaksyunan.

Nananawagan si Mayor Isko na huwag nang magbigay ng perwisyo sa mga rider, lalo na’t maraming hirap sa hanapbuhay ngayong may COVID-19 pandemic.

“Alam naman po natin na marami ang gusto lang maghanapbuhay nang tapat at marangal. Huwag na natin sila i-prank, pagtripan o i-harass sa mga pekeng deliveries natin. This is not a laughing matter,” sinabi ni Domagoso.

“This goes to anyone who will attempt to harass our riders. Huwag po natin silang lokohin. May kanya-kanya silang pamilya na binubuhay. Wala silang masamang intensyon kundi kumita lang nang tapat,” ayon pa sa alkalde.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *