Lima arestado sa unang araw ng pagpapatupad ng gun ban

Lima arestado sa unang araw ng pagpapatupad ng gun ban

Sa unang araw ng pagpapatupad ng gun ban mayroon nang naarestong limang katao na naaresto ang mga otoridad.

Sa ulat na ipinadala sa PNP Command Center Sa Camp Crame ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director ng Police Regional Office-9 sa mahigpit na pagpapairal ng COMELEC gun ban may mga nakumpiska agad na armas ang kanilang mga tauhan.

Sa Barangay Poblacion, Imelda, Zamboanga Sibugay, naaresto ang suspek na si Wendell Datoy, 39 anyos dahil sa pagbibitbit ng cal.45 pistol.

Bigo si Datoy na nagpakita ng documentation of authority para sa kaniyang armas.

Sa Barangay Sanito, Ipil, Zamboanga Sibugay, naaresto naman ang riding in tandem matapos makuhanan ng replica Model 1911 pistol. Kinilala ang mga ito na sina Eron Jay Mascara, 18 anyos at kasama niyang 17 anyos.

Sa Metro Manila naman iniulat ni NCRPO Chief, Police Major General Vicente Danao Jr. ang pagkakaaresto sa dalawang katao dahil sa paglabag sa gunban.

Unang nadakip sa Brgy. Bagumbayan North, Navotas City si Jerwin Gubaton, 39 na hinarang lamang dahil wala itong suot na face mask.
Nang bumaba sa tricycle ay nahulog ang cal.38 revolver na isinukbit niya sa garter ng kaniyang short pants.

Sa Rotonda, Amparo Subdivision, Brgy. 179, Caloocan City naman, hinarang din ang motorcycle rider na si John Paul Dunlao dahil sa hindi pagsusuot ng crash helmet.

habang dinudukot niya ang mga dokumento sa kaniyang belt bag, nakita ng mga pulis ang cal.38 revolver sa loob na may lamang apat na bala. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *