Liloy, Zamboanga Del Norte niyanig ng M4.8 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga Del Norte.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 62 kilometers northwest ng Liloy ala 1:17 ng hapon ng Huwebes, July 30.
Ayon sa Phivolcs may lalim na 56 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol. (END)