Leyte, Leyte niyanig ng magnitude 3.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Leyte.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 6 kilometers northwest ng bayan ng Leyte alas 12:16 ng tanghali ngayong Lunes, December 7.
Ayon sa Phivolcs, 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Bagaman mahina lang ang lindol naitala ng Phivolcs ang sumusunod na intensities:
Intensity III:
– Calubian, Leyte
– Leyte, Leyte
– Biliran, Biliran
Intensity II:
– Naval, Biliran
– Capoocan, Leyte
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.