Leonard Meyers tinanggal sa Miami Heat dahil sa paggamit ng “hateful language” habang naka-live stream sa Call of Duty

Leonard Meyers tinanggal sa Miami Heat dahil sa paggamit ng “hateful language” habang naka-live stream sa Call of Duty

Tinanggal na sa Miami Heat ang player na Leonard Meyers kasunod ng paggamit nito ng “hateful language” habang siya ay naka-live stream at naglalaro ng Call of Duty.

Sa pahayag na inilabas ng Miami Heat, nakasaad na mariin nitong kinokondena ang anumang paggamit ng hate speech.

Sinabi sa pahayag na mali ang ginawa ni Leonard at hindi nila ito kukunsintihin.

Dahil dito sinabi ng Miami Heat na aalisin na sa team si Leonard.

Handa rin ang team na makipagtulungan sa NBA kung magsasagawa ito ng imbestgasyon.

Si Leonard ay sinasabing gumamit ng “anti-Semitic slur” habang naka-live stream at naglalaro ng Call of Duty: Warzone.

Humingi na ng paumanhin si Leonard sa nangyari at nag-sorry sa pagiging ignorante niya sa history ng Jewish community.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *