Las Piñas LGU pinaigting ang information, education and communication drive sa mga estudyante
Nagpapatuloy ang Las Piñas City Government sa pagsasagawa ng kanyang information, education at communication campaign sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong linggo.
Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang pag-iikot sa mga eskuwelahan upang itaguyod ang naturang kampanya na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante ukol sa kahalagahan at wastong pagbubukod-bukod ng mga basura.
Ito ay alinsunod sa R.A. 9003 na kung saan ang mga ganitong hakbang ay makatutulong sa ating kalikasan.
Ang nasabing programa ay sa ilalim ng inisyatibo nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar. (Bhelle Gamboa)