Lalawigan ng Isabela balik MGCQ na
Balik na sa Modified Enhanced Community Quarantine ang lalawigan ng Isabela.
Ayon sa abiso ng provincial government, ito ay matapos na aprubahan ng IATF at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni Gov. Rodito T. Albano III na ibalik na sa MGCQ ang lalawigan.
Epektibo ang pag-iral ng MGCQ sa Isabela mula January 1 hanggang January 31, 2021.
Dati nang nakasailalim sa MGCQ ang Isabela subalit noong December 15 hanggang 31, 2020 ay inilagay ito sa GCQ bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19. (D. Cargullo)