Lalawigan ng Cebu isinailalim sa GCQ with heightened restrictions; Apayao, Laguna, Aklan isinailalim sa MECQ
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa General Community Quarantine with heightened restrictions mula sa Modified Enhance Community Quarantine ang Cebu province.
Ito ay mula August 1 hanggang August 15, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mula naman sa GCQ with heightened restrictions ay isinailalim sa MECQ ang Laguna, Apayao at Aklan mula din August 1 hanggang 15, 2021.
Samantala, sinabi ni Roque na inaprubahan na rin ng IATF na iksihan ang detection to isolation/quarantine interval ng less than five (5) days.
Inaprubahan din ng IATF ang implementasyon ng pagbibigay ng prayoridad sa facility-based isolation at quarantine upang maiwasan ang household transmission. (Faith Dela Cruz)