Lalaking gumagamit ng pangalan ni Sen. Bong Go para makapangikil ng pera, arestado ng NBI

Lalaking gumagamit ng pangalan ni Sen. Bong Go para makapangikil ng pera, arestado ng NBI

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nagpapakilalang kunektado kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at nangingikil ng pera sa mga negosyante.

Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek ay kinilalang si John Carlos Pedragosa Garcia.

Ang pag-aresto ay kasunod ng reklamo ng isa sa mga nabiktima ni Garcia. Ayon sa reklamo, umabot sa P6 million ang natangay ng suspek mula sa mga negosyante sa Albay, Laguna, Quezon at Rizal.

Ayon sa isa sa mga biktima na nakapanayam ng NBI-SOG nakuhanan siya ng P50,000 ni Garcia at tinukoy din nito ang iba pang negosyanteng nabiktima ng suspek.

Kwento naman ng isa pang biktima mula San Pablo, Laguna inalok siya ng kaniyang kaibigan ng isang proyekto para sa konstruksyon ng pasilidad na gagamitin sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Corporation sa Buhatan, Sto. Domingo, Albay.

Nang tinanggap ng biktima ang alok, ipinakilala siya sa suspek na si Garcia.
Sinabi umano ni Garcia na kaibigan niya ang secretary ni Senator Go na si Geraldyne Riano.

Matapos ito, humingi si Garcia ng P1 Million bilang advance payment sa biktima para sa proyekto sa Albay at Malunay, Quezon.

Nangako pa si Garcia na ipakikilala ang biktima kay Go pero hindi ito nangyari.

Doon nagpasya ang biktima na magtungo sa tanggapan ng senador at doon niya nalaman na si Garcia at Riano ay hindi empleyado ng senador.

Dinala sa NBI Office si Garcia matapos maaresto sa isang resort sa Bolinao, Pangasinan.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *