Lalaki arestado ng NBI sa ilegal na pagbebenta ng government stickers
Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) – Special Task Force (STF) ang isang lalaki sa Taguig City dahil sa ilegal na pagbebenta ng government agencies stickers kablang kabilang na ang presidential seal.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Leon C. Cruz III.
Ayon kay Distor nakatanggap sila ng impormasyon na ang suspek ay nagbebenta ng sa online ng sticker ng Presidential seal, NBI seal, Bureau of Customs, at Philippine Coast Guard.
Agad nagkasa ng operasyon ang NBI-STF at isa ang nagpanggap na buyer at nag-order sa pamamagitanng CARSTICKERS.PH.
Nang dumating ang order na stickers, doon natuklasan na ang suspek ay nakatira sa 4C Mastrili St., Bambang, Taguig City.
Doon na nagkasa ng operasyon laban sa suspek kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang 2 parcels na naglalaman ng 5 sticker ng seal ng Office of the President. at 24 na NBI stickers.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa piskalya sa Taguig City sa salang paglabag sa E.O. 141 s.1999.