Lahat ng kukuha ng Bar Exams inabisuhan nang sumailalim sa quarantine simula ngayong araw, Jan. 10

Lahat ng kukuha ng Bar Exams inabisuhan nang sumailalim sa quarantine simula ngayong araw, Jan. 10

Inabisuhan na ng Korte Suprema ang lahat ng kukuha ng bar exams na mag-quarantine na simula ngayong araw, January 10, 2022.

Sa inilabas na Bar Bulletin ng Supreme Court, batay kasi sa Bar Bulletin Nos. 30 at 31 ang mga Bar examinee na magpopositibo sa COVID-19 sa antigen test at RT-PCR test ay hindi papayagang makapasok sa local testing centers.

Lahat ng fully-vaccinated na examinees ay sasailalim sa antigen test 48 oras bago ang unang araw ng exams.

Kapag nagpositibo sa antigen test ay kailangang mag-comply sa guidelines ng LGUs.

Ang mga hindi bakunadong examinees naman ay ire-require na magsumite ng negatibong nasal o saliva RT-PCR test results na kinuha 72 oras bagyo ang unang pagsusulit.

Ang mga examinee kagagaling lamang sa COVID-19 ay sasailalim din sa antigen test o RT PCR test.

Hinihikayat din ang lahat ng hindi pa bakunadong examinees na magpabakuna bago ang Bar Examinations. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *