Laguna, Iloilo City, CDO isinailalim sa ECQ
Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa enhanced community quarantine ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro.
Bunsod ito ng banta ng COVID-19 Delta variant.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iiral ang ECQ mula August 6 hanggang 15, 2021.
Samantala, isasailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula August 6 hanggang 15, 2021 ang Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo Province.
Sasailalim naman sa general community quarantine with heightened restrictions ang Batangas at Quezon simula August 6 hanggang 15, 2021.