Labingisang volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

Labingisang volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng labingisang volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.

Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong araw (Aug. 12), nagbuga din ng steam-laden plumes ang bulkan na umabot sa 200 meters ang taas.

Noong August 2 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 1,012 tonnes/day.

Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng biglaang phreatic eruption.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *