Kuryenteng natipid sa paggunita ng Earth Hour umabot sa 62.69 megawatts

Kuryenteng natipid sa paggunita ng Earth Hour umabot sa 62.69 megawatts

Umabot sa 62.69 megawatts ang natipid na kuryente sa buong bansa sa paggunita ng Earth Hour noong March 25, 2023.

Ayon sa datos ng Department of Energy (DOE), sa Luzon, umabot sa 33.28 megawatts ang natipid na kuryente.

Sa Visayas naman ay nakapagta ng 20.5 megawatts at 8.9 megawatts sa Mindanao.

Patuloy na hinihikayat ng DOE ang bawat Pilipino na isagawa ang mga hakbang sa pagtitipid ng kuryente sa kanilang mga tahanan.

Noong March 25, idinaos ang Earth Hour mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi kung saan hinikayat ang publiko na magpatay ng non-essential lights sa kanilang mga tahanan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *