Korporasyon na isinasangkot sa kontrobersiya sa PhilHealth sa isyu ng ‘ghost dialysis machines’, nagpaliwanag
Mariing pinabulaanan ng isang Global Medical Technology Company ang mga isyus na ipinupukol sa kanila may kinalaman sa imbestigasyon ng senado sa kontrobersiya sa Philhealth.
Paglilinaw ng B. Braun Avitum Philippines Incorporated-isang family owned company na 180 taon nang namamayagpag sa industriya ng Health care products at Medical devices sa mahigit 64-na mga mga bansa sa buong mundo at naglilingkod sa Pilipinas sa larangan ng delivery ng Medical equipment at devices at dialysis treatment, na wala silang ‘Ghost dialysis machines’.
Naninindigan din ang B. Braun Avitum na nagmamay-ari at nag-ooperate sila ng 25-dialysis Centers sa Luzon, at ito ay nakapagsagawa na ng 27,000 treaments sa mahigit 3,000 mga pasyente.
Ang bawat dialysis center nila ay rumeresponde sa treatment requirement ng bawat pasyente sa paraan ng pagdagdag ng kanilang kapasidad sa pamamagitan ng additional shifts, iyon ay kung hindi maari ang pagdaragdag ng dialysis machines sanhi ng limitadong ispasyo.
Anim na araw din kada linggo nagbubukas ang B. Braun Avitum na ang ibig sabihin ay 96-na treatments ang nagagawa nila kada buwan kumpara sa 72-araw lamang na binabanggit sa pagdinig sa senado.
Sa katunayan ay 133 percent umano ang capacity rate ang serbisyo ng B. Braun Avitum at ito ay kanilang ipinarating sa senado.
Dahil dito ay naninindigan ang B. Braun Avitum na wala silang ‘ghost machines’ sa alinmang Centers kung saan sila ay nag-o-operate.
Nilinaw din ng Kumpanya na hindi sila nagsasagawa ng negosyo sa pamamagitan ng pabor o sa anumang pamamaraan maliban sa legitimate at above-board transactions.
Inihayag din ng kumpanya na nag-apply ang B. Braun para maka-avail sa Interim Reimbursement Mechanism(IRM) in good faith, batay sa mga panuntunan ng Philhealth.
“We did not misreprent our application for IRM funds to be used for the treatment of COVID+patients” saad sa Kalatas ng B. Braun Phils. sa pamamagitan ni Ma. Cecilia Victoria Cannon ng Corporate Communication.
“Out of the 18 IRM fund applications submitted by B. Braun Avitum, only 5 were approved. For these 5 applications, the submission of Memoranda of Agreement(MOA) was done towards the end of March 2020. The First release Of funds was received only on the 27th of April, While the rest was received by B. Braun Avitum a week later on the fisrt week of May. There is no thruth to the allegations that B. Braun Avitum is Favored.”
Wala din daw katotohanan na may kaugnayan ang B. Braun Avitum sa dealings ng Philhealth sa Balanga Rural Bank Inc.
“The PHP. 9.7 Million paid to B. Braun Avitum represents payments for legitimate reimbursement claims for dialysis treatments already rendered. These payments should have been received by B. Braun Avitum in May 2019, but the funds were received by B. Braun Avitum only in September 2019.” Pahayag ng kumpanya.
Wala din daw katotohanan na sangkot ang B. Braun Avitum sa Philhealth credit ng PHP 9.7 Million sa Rural Bank sa Balanga, Bataan, ito ay dahil wala silang bank account sa anumang bangko sa Bataan.
“Our corporate vision is to protect and improve the health of People around the world. In operating our dialysis centers, we are acutely mindful of this purpose. To date B. Braun Avitum has rendered 589 treatments to 135 COVID+ patients accross our hospital-based clinics. It is important to emphasize that without continuity of regular treatment, dialysis patients will die.” Saad ng Mensahe.