Konstruksyon ng Lucena City General Hospital sisimulan na; groundbreaking ceremony pinangunahan ni Rep. David Suarez

Konstruksyon ng Lucena City General Hospital sisimulan na; groundbreaking ceremony pinangunahan ni Rep. David Suarez

Pinangunahan ni Quezon Province 2nd District Representative David “JayJay” Suarez ang isainagawang groundbreaking ceremony para sa pormal na pagsisimula ng konstruksyon ng Lucena City General Hospital.

Itatayo ang LCGH multi-purpose building sa Brgy, Mayao Parada, sa Lucena City na pinondohan ng P40 milyon.

Ang LCGH multi-purpose building ay priority project nina Rep. David Suarez at Alona Partylist Rep. Anna Villaraza – Suarez katuwang si Quezon Province Governor Danilo Suarez.

Sa sandaling maging fully operational na ay mayroon itong 150-bed capacity at makatutulong para ma-decongest ang Quezon Medical Center na tanging government hospital sa lalawigan sa ngayon at mayroong 200-bed capacity.

Sa kaniyang talumpati sa groundbreaking event, sinabi ni Suarez na mahalagang matutukan ang mga programang pangkalusugan lalo ngayong may pandemya ng COVID-19.

“Sa matagal na pagseserbisyo natin sa ating lalawigan, isa po ang kalusugan sa pundasyon ng ating panunungkulan. Kasama si Cong. Anna, nilunsad natin ang mga birthing centers sa ating probinsiya para sa ating mga nanay at iba pang proyektong pangkalusugan tulad ng Flu Vaccinations at Health Coupons na ngayon ay itinutuloy ni Gov. Danny Suarez. Sa pagtatayo natin ng Lucena City General Hospital, bahagi ito ng malalim nating adbokasiya upang protektahan ang kalusugan ng bawat Quezonian,” ayon kay Suarez.

Ang Quezon province ay una nang tumanggap ng multiple awards sa mga healthcare programs nito gaya ng Green Banner Award of 2018 (Crown Award) para sa Outstanding Comprehensive Nutrition Program, at Galing Pook Award for Lingap sa Kalusugan para sa Health Coupon Program.

Sinabi ni Suarez na sa pagtatayo ng bagong ospital mas mapapalawig at mapagbubuti pa ang healthcare system sa lalawigan.

“Ang kalusugan, parte po ‘yan ng maraming bagay sa ating buhay. Mahirap mag-aral kung may sakit, at hindi ikaw ang top choice for employment kung marami kang iniinda. Lalo na ngayong pandemya, our health is our first shield against a virus that has no massively available cure yet,” dagdag ni Rep. Suarez.

Maliban sa pagtatayo ng bagong ospital, isinusulong din ng mambabatas ang mga programang tututok sa First One Thousand Days of Life (Q1K), No Balance Billing, at pondo para sa Barangay Nutrition Scholars.

“Ito hong programang pangkalusugan natin, matagal na ho nating panata at ginagawa sa probinsiya. Masaya tayo na kinikilala ng national government ang lahat ng plano natin. Iyong presensiya ni Sen. Kuya Bong Go, who’s also the chair of the Committee on Health sa Senado, ay maliwanag na patunay na suportado tayo ni Pangulong Duterte. We are partners for change and partners for health,” ayon pa sa mambabatas.

Dumalo din sa aktibidad sina Quezon Gov. Danilo Suarez, Vice-Gov. Samuel Nantes, mga miyembro ng provincial government, kasama sina Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Vice-Mayor Philip Castillo, at iba pang bahagi gn Local Government.

Nagbigay din ng kaniyang mensahe si Senator Christopher “Bong” Go bulang guest of honor. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *