Konsehal sa Tuguegarao City nagpositibo sa COVID-19; Halos lahat ng City Officials naka-qarantine

Konsehal sa Tuguegarao City nagpositibo sa COVID-19; Halos lahat ng City Officials naka-qarantine

Naggpositibo sa COVID-19 ang isang City Councilor ng Lungsod ng Tuguegarao batay sa resulta ng swab test na lumabas ngayong araw ng Linggo, Oktubre-04.

Ang nagpositibong konsehal ay si CV 1799, isang 67-anyos na lalake, may-asawa at residente ngBrgy. Larion Alto sa Tuguegarao.

Batay sa resulta ng contact tracing, nahawa si CV 1799 kay CV 1696 na isang dating mataas na halal na opisyal ng probinsiya na naninirahan sa Arugay Street, Brgy. Caritan Centro.

Matapos sumailalim sa swab test ay dumalo pa sa pulong sa City Hall ang konsehal noong Setyembre 29 at sa pagpupulong na ipinatawag ng alkalde ng Lungsod kahapon, Oktubre-03 sa Valley Hotel.

Samantala, bukod kay CV 1799 ay may dalawa pang bagong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao ngayong araw.

Ito ay sina CV 1800, isang 21-anyos na babae na residente ng Cagurangan St. Zone 07, Brgy Linao East na isang sales lady ng milk tea outlet sa Brgy Carig Sur.

Si CV 1800 ay nahawa kay CV 1676 na kaniyang live-in partner na kapwa nito naninirahan sa kanilang tinutuluyan sa Brgy. Linao East.
Nagpositibo din sa Tuguegarao ngayong araw si CV 1801, isang 21-anyos na lalake na residente ng Taguinod Street, Zone 6, Brgy Linao East.

Nahawa si CV 1801 sa kaniyang pinsan na si CV 1666 na kapwa nito residente sa kanilang lugar.

Sa kabilang banda, dalawa (2) din ang nagka COVID-19 positive muli sa bayan ng Enrile ngayong araw.

Ito ay ang mag-asawang sina CV 1797, lalake, 61-anyos at CV 1798, babae, 62 years old na kapwa nakatira sa Brgy 04 sa nasabing bayan.

Ang mag-asawa ay nahawa sa kanilang anak na si CV 1686 na isang nurse sa CVMC. (END)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *