Komiks ginamit sa Davao City para sa information campaign laban sa COVID-19

Komiks ginamit sa Davao City para sa information campaign laban sa COVID-19

Bilang bahagi ng information campaign laban sa COVID-19 at sa benepisyo ng COVID-19 vaccines, gumamit ng komiks ang City Government ng Davao na ipamamahagi sa mga residente.

Ang tanggapan ng City Vice Mayor ang mamamahala sa pamamahagi ng komiks sa mga bahay-bahay sa bawat barangay na sisimulan ngayong Huwebes, March 11.

Target ding maipamahagi ang mga komiks sa malalayo o liblib na mga lugar.

Ang komiks ay mayroong 32-pahina, tampok si ‘Kapitan BIDA’ na superhero sa kwento at si ‘COntraVIDa’ na siya namang virus.

Tampok sa kwento ang kung paanong nakaaapekto sa tao ang coronavirus at kung paano poprotektahan ng tao ang sarili.

Ipinaliwanag din sa komiks kung paano nangyayari ang hawaan.

Ang komiks ay may titulong ‘Goodbye COntraVIDa!.

Maari din itong ma-access online sa link na https://issuu.com/byahengdo30/docs/goodbye_contrvida_

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *