‘Kill Switch’ modus ng isang TNC natuklasan ng LCSP; Atty. Inton tiniyak ang tulong sa mga nabiktimang driver

‘Kill Switch’ modus ng isang TNC natuklasan ng LCSP; Atty. Inton tiniyak ang tulong sa mga nabiktimang driver

Matapos makarating sa kaalaman ng Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) kamakailan ang drive to own-Kill switch scheme, ay ibinahagi naman ngayon ni Atty. Ariel Inton, ang aniya’y mga kasapakat sa naturang modus.

Sabi ni Atty. Inton, Founder at Tagapangulo ng LCSP, batay sa salaysay ng mga biktima ng drive to own-kill switch scheme, kakuntsaba ng Transport network company(TNC) na kanilang kinabibilangan ang financing company. Ito rin daw ay nagpapakilalang abugado ng mga financing firms.

Sa paunang imbestigasyon ng LCSP, nabatid na paso na o expired na ang accreditation ng di pinangalanang TNC sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) at may nakabinbin na application for renewal of accreditation ito.

Dahil sa naturang di makatarungang estilo, ay haharangin umano ng mga TNC drivers ang aplikasyon sa LTFRB ng TNC, sa tulong ng LCSP.

Dagdag pa ni Inton, mapanlinlang ang come on scheme ng TNC dahil sa halagang P25,000 ay may sasakyan na, may TNVS pa ang kanilang mabibiktima.

Ang nakapang lulumo ayon kay Inton, dating board member ng LTFRB, ay inutang lamang ng mga biktima ang naturang halaga o di kaya ay matagal na ipon.

Batay aniya sa salaysay ng mga biktima, pagtungo pa lamang sa opisina ng di-binanggit na TNC ay sasabihan ang mga driver-operator na magbukas ng checking account sa bangko na malapit sa Timog avenue sa Quezon City.

Batid umano ng bank manager na ang aplikante ay inirefer sa kanila ng TNC kung saan agad na makapagbubukas sila ng checking account sa halagang P5,000.

Ang Post dated checks(PDC) naman ang siyang gagamitin ng driver/operator para iisyu sa financing company na kasabwat ng TNC. Ang PDC ang siyang kolateral sa monthly installment ng sasakyan.

Ayon kay Inton, Ilan lamang ito sa bahagi ng modus operandi ng Own-kill switch scheme, na malinaw na hindi dumaan sa tama o lehitimong proseso ng car loan.

Maliban dito, sumbong din ng mga biktima na sila ay pinapipirma ng dokumento nang hindi man lamang sila binibigyan ng kopya.

Ang masaklap, dahil hindi kilala ang TNC na kinaaaniban ng mga biktima ay matumal kung sila ay makakuha ng pasahero lalo ngayong nahaharap sa krisis ang bansa sanhi ng pandemya.

At dahil walang pasahero, natural aniya na hindi makapagbayad ng monthly amortization ang mga ito at dito na nagtatalbugan ang kanilang inisyung PDCs at nangyayari ang kill switch para hindi umandar ang makina ng sasakyan.

“May mga nagsabi na, e kasalanan nila hindi nakabayad, Hindi po! may legal na proseso kung sakaling hindi makakabayad ng monthly installment ng sasakyan. Hindi puweseng i-kill switch ka lang.Parang yun hindi makabayad ng upa sa apartment puputulan ng kuryente o tubig o dikaya ikakandado ang unit. So mapipilitan ka na isuko yun unit.” Saad ni Inton.

“ Pero teka paano yun pangako ng provisional authority galing sa LTFRB?, Wala nangyari doon lipad ang bente mil mo at ano mangyayari sa sasakyan, sasaluhin ng sasabihin ng panibagong mabibiktima.” wika ni Inton.

Aniya, lumalabas na stand by deed of sale lamang ang pala ang pinirmahan ng biktima ng kill-switch modus.

Ito aniya ang dahilan kung bakit mabilis na naililipat sa ibang pangalan ang sasakyan.

“Pero teka isa sa biktima ang nagsabi sa amin na updated siya sa pagbabayad pero kinilswitch pa rin siya. Bakit? dahil sumama siya sa kalaban na TNC dahil mahina nga ang pasada, ibang laban ng TNVS ang haharapin natin dito.” Pagtatapos ni Atty. Inton.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *