Kauna-unahang drive-thru vehicle registration center binuksan sa Visayas
Magandang balita!
Binuksan na ng Department of Transportation(DOTr) ang kauna-unahan at nag-iisang drive-thru vehicle registration renewal sa Visayas.
Iyan ay matatagpuan sa LTO of Region 7 na nakapagsilbi na ng halos 2,000 motorista sa unang buwan pa lamang ng kanilang operasyon.
Ang naturang “pioneer registration renewal initiative” ay bahagi ng mandato ng LTO na makatalima sa ‘new normal’ para matiyak na nabibigyang prayoridad ang “public health and safety protocols” at mahigpit na nasusunod ng kanilang Motor Vehicle Inspection Center (MVIC) Complex sa Subangdaku, Mandaue City.
Nabatid na noong nakaraang Hulyo ay mahigit sa 1,113 motor vehicles owners na ang nakinabang sa programa, habang 1,299 motorcycle owners naman ang nag-renew ng kanilang registrations as of Tuesday, August 11, 2020.
Ayon kay LTO 7 Regional Director Victor Emmanuel Caindec, ang MVIC drive-thru facility na nagsimulang magbukas noong July 6, 2020 ay nagsabing “very timely” ang sistema lalot patuloy na nahaharap ang bansa sa banta ng pandemya dulot ng coronavirus (COVID-19).