Kaso ng COVID-19 sa Quezon City 8,589 na

Kaso ng COVID-19 sa Quezon City 8,589 na

Umakyat na sa 8,589 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Government, sa nasabing bilang, 8,514 ang kumpirmado ng Department of Health na mayroong kumpletong address.

8,488 naman ang na-validate na ng QC Surveillance and Epidemiology Unit at District Health Offices.

2,149 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang 5,982 ang naka-recover na.

Umabot naman na sa 357 ang nasawi sa lungsod dahil sa sakit. (END)

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *