Kaso ng COVID-19 sa Maynila sa nadagdagan ng 46 pa
Nakapagtala ng 46 pang bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ngayong araw, Jan. 4 ay 324 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot naman na sa 25,030 ang total confirmed COVID-19 cases.
Habang 23,953 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na.
Nakapagtala naman ng tatlo pang nasawing pasyente ng COVID-19 sa Maynila. (D. Cargullo)