Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 35 pa
Nakapagtala ng 35 pang bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ngayong araw, Jan. 27 ay 379 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot naman na sa 26,227 ang total confirmed COVID-19 cases.
Habang 25,067 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 36 recoveries.
Nakapagtala naman ng dagdag na 1 pang nasawi kaya 781 na kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19. (D. Cargullo)