Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 213 pa

Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 213 pa

Nadagdagan ng 213 pa ang kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Huwebes – March 11, ay 1,206 na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Umabot na sa 29,892 ang total confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Habang 27,866 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 156 recoveries.

Nakapagtala naman ng 2 pang nasawi kaya 820 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19.

Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Sampaloc na umabot sa 206 cases.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *