Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 196 pa
Nadagdagan ng 196 pa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Huwebes, March 4, ay 715 na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot naman na sa 28,662 ang total confirmed COVID-19 cases.
Habang 27,139 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 115 recoveries.
Nakapagtala naman ng 1 pang nasawi kaya 808 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19.