Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 184 pa

Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 184 pa

Nadagdagan ng 184 pa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Biyernes, March 5, ay 793 na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Umabot naman na sa 28,847 ang total confirmed COVID-19 cases.

Habang 27,245 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 106 recoveries.

Nakapagtala naman ng 1 pang nasawi kaya 809 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19.

Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Sampaloc na umabot sa 126.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *