Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 154 pa
Nadagdagan ng 154 pa ang kaso ng COVID-19 sa Maynila.
Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Martes – March 9, ay 988 na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot na sa 29,444 ang total confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Habang 27,639 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 74 recoveries.
Nakapagtala naman ng 2 pang nasawi kaya 817 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19.
Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Sampaloc na umabot sa 173 cases.