Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 125 million na

Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 125 million na

Umabot na sa mahigit 125 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos hanggang umaga ng Huwebes (March 25) ay 125,415,887 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 583,000 na bagong kaso sa magdamag.

Sa magdamag umabot sa mahigit 90,000 ang naitalang bagong kaso sa Brazil.

Mahigit 66,000 naman ang bagong kasong naitala sa US.

Habang ang India ay nakapagtala ng mahigit 53,000 na bagong kaso sa magdamag.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 30,704,292
Brazil – 12,227,179
India – 11,787,013
Russia – 4,483,471
France – 4,378,446
UK – 4,312,908
Italy – 3,440,862
Spain – 3,241,345
Turkey – 3,091,282
Germany – 2,709,872

Samantala, ang Pilipinas ay nasa pang-30 sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *