Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng mahigit 6,000; 135 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 6,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, May 20 ay 1,093,602 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 6,100 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,093,602 ang gumaling o katumbas ng 93.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 4,071 na gumaling.
51,912 naman ang active cases o katumbas ng 4.5 percent.
19,641 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.69 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 135 pang pumanaw.