Kaso ng COVID-19 sa bansa 129,913 na
Umabot na sa 129,913 ang total number ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 3,109 na dagdag na kaso batay sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH).
May naitala ding dagdag na 654 na gumaling sa sakit.
Ayon sa DOH, 67,673 na ang total number of recoveries sa bansa.
May naitala namang 61 na dagdag na nasawi kaya umabot na sa 2,270 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.