Kaso ng COVID-19 sa bansa 119,460 na

Kaso ng COVID-19 sa bansa 119,460 na

Nakapagtala ng 3,561 na dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa bagong dagdag na mga kaso umabot na sa 119,460 ang total number ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Nakapagtala naman ng 569 na dagdag recoveries kaya umabot na sa 66,837 ang mga nitalang gumaling sa sakit.

Ayon sa DOH, sa 3,561 na dagdag na mga kaso ngayong araw ang mga rehiyon na nakapagtala ng madaming kaso ay ang mga sumusunod:

NCR (1,480 or 54%)
Region 4A (435 or 16%)
Region 7 (218 or 8%)

Nakapagtala naman ng 10 dagdag sa bilang ng mga nasawi.

Dahil dito umabot na sa 2,150 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *