Karamihan sa 10,000 inilikas sa Pasig City nakauwi na sa kanilang mga tahanan
Nakauwi na ang halos lahat ng 10,000 mga inilikas sa Pasig City matapos bahain ang kanilang mga bahay dulot ng Typhooon Ulysses.
Sa update mula kay Pasig City Mayor Vico Sotto, sinabi nitong lahat ng pamilyang lumikas ay may grocery food packs at non-food items box.
Nagpasalamat si Sotto sa mga tumulong partikular sa Community Kitchen na nagluto at namahagi ng hot meals para sa mga evacuees.
Ayon sa alkalde, 99% na humupa na ang baha sa Pasig.
Nagpapatuloy ang clearing / cleaning / flushing / disinfection operations sa mga binahang bahagi ng lungsod.
Kasalukuyan ding nag-iikot ang Meralco Team at batay sa sa huling report, nasa 9,000 bahay ang wala pang kuryente sa Pasig.