Kahalintulad ng COVID-19 relief package sa US, kailangan ng Pilipinas
Makatutulong sa Pilipinas ang kahalintulad ng nilagdaang $900 billion COVID-19 relief package ni US President Donald Trump.
Sa ilalim kasi ng naturang relief bill, naglaan ang gobyernon ng US ng $7 billion para itaas ang access sa broadband ng milyun-milyong estudyante, pamilya at mga unemployed workers ngayong mayroong pandemya.
Makikinabang sa package ang mga mahihirap na mamayan ng Amerika dahil pinaglaanan sila ng $3.2 billion emergency broadband benefit.
Kung mayroong kahalintulad na relief package sa Pilipinas, makatutulong ito sa mga estudyante na nag-aaral sa ilalim ng blended learning at sa mga empleyado na naka-work from home kagaya ng mga sinusulong nina Sen. Christopher “Bong” Go at Sonny Angara.
Sabi ni Sen. Angara na ang naturang emergency broadband benefit ay kailangan din sa Pilipinas lalo na ngayong panahon ng pandemya at lahat ng iba pang mga programa ay dapat galugarin ng gobyerno lalo na para sa mga pampublikong eskwelahan upang makasabay ang mga pampublikong estudyante sa new normal.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), 3.8 million pang Pinoy ang walang trabaho magmula noong October 2020.
Ibig sabihin sila ay nangangailangan ng oportunindad na kumite ng pera gamit ang internet.
Sa ulat naman ng mga telco, tumaas ng 500 percent ang data usage nang mag-umpisa ang pandemya.
Ayon sa Department of Information and Communication Technology o DICT, upang mapabilang ang Pilipinas sa mga world class country pagdating sa internet connectivity at bilis ng internet service, kailangang mag-invest ng pamahalaan sa broadband.
Kinakailangan ng DICT ng inisyal na P18 billion para maipatupad ang National Broadband Plan.
Gayunman, kinaltasan ang DICT budget increase sa bicameral committee sa P956 million lamang.
Naaalalang ikinadismaya ni Sen. Panfilo Lacson pagkakaltas sa naturang budget dahil hindi ito tugma sa kinakailangan halaga upang maihatid ang bansa sa pagiging world class.
Hirit pa nga ng mga netizens, “the government needs to chip in big time. The telcos cannot do everything by themselves. Take a hint with what the US government is doing with its COVID-19 relief bill. Don’t we all just wish… “SANA ALL”.