“Kahalagahan ng retirement plan, isa sa mga itinuro sa atin ng pandemic ng COVID-19” – iFINANCIALS by SE-ITpreneur
Kalahati ng buhay natin, wala tayong ipon. ‘Yan ang nagdudumilat na katotohanan.
Kaya ngayong nagkaroon ng pandemic ng COVID-19, nabigla tayong lahat.
Marami ang nawalan ng trabaho. Maging mga OFW naapektuhan.
At ang mahirap pa, marami sa atin walang kahit katiting na kahadaan. Hindi tayo handa dahil wala tayong ipon.
Dito natin na-realize pare-pereho gaano kahalaga ang pagkakaroon ng retirement plan. Kung gaano kahalaga na mayroon kang ipon, para kapag may emergency ay mayroon kang madudukot.
Sa mga employed, madalas na katwiran, may SSS naman sila at may pensyon na aasahan.
Pero alam nating pare-pareho na hindi sasapat maski ang maximum a halaga ng pensyon sa SSS at indi sapat para matustusan ang medical bills sakalling magkasakit tayo at maospital.
Patuloy din sa pagtaas ang inflation rate kaya patuloy sa pagtaas ang presyo ng bilihin at serbisyo.
Ang iba, ikinakatwiran naman ang kanilang mga anak na maari nilang maasahan balang araw.
Pero dapat nating tandaan na ang mga anak natin ay hindi nating dapat gawing “retirement fund”. Huwag tayong umasa at maging pabigat sa ating mga anak.
Paano kung pagsapit mo ng edad 60 ay wala kang ipon? Wala lang income?
Let us not depend on our Company’s retirement benefit.
What if you lose your job or your company go bankrupt?
Learn how to plan our retirement. Learn how to be financial independent.
We provide free trainings just send us message http://via m.me/FCJunmarCargullo