Kabuuang P1.125B na pondo inilaan ng Caloocan City LGU para sa libreng COVID-19 vaccine sa mga residente
Naglaan ng kabuuang P1.125 billion na pondo ang Caloocan City GU para sa COVID-19 vaccine na libreng ibibigay sa kanilang mga residente.
Sa ngayon nakikipag-usap na ang lokal na pamahalaan ng Caloocan sa Inter-Agency Task Force para sa procurement ng COVID-19 vaccine.
Nagpadala na din ng liham ang City Government sa mga pharmaceutical company at nagpahayag ng interest para sa pagbili ng bakuna.
Una nang sinabi ng City Government ng Caloocan na may nakahanda na itng P125 Million na pondo pambili ng bakuna.
Maglalaan ng P500 million para sa 1st tranche ng vaccination sa mga residente.
At kung hindi pa ito sasapat, muling maglalaan ng dagdag nan P500 Million hanggang sa makatanggap ng libreng bakuna ang lahat ng residente. (D. Cargullo)