Kaanak ng mga nasawing OFW dahil sa COVID-19 tatanggap ng benepisyo mula sa gobyerno

Kaanak ng mga nasawing OFW dahil sa COVID-19 tatanggap ng benepisyo mula sa gobyerno

Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makakatanggap ng benepisyo mula sa gobyerno ang pamilya ng bawat overseas Filipino worker na namatay ng dahil sa COVID-19.

Kabilang aniya dito ang P120,000 na bereavement at burial assistance, mayroong livelihood assistance at P30,000 educational support para sa kanilang mga anak.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kabuuang 35 ofw’s ang kasama sa pinakabagong batch ng mga repatriates mula sa Kingdom of Saudi Arabia na dumating sa Pilipinas.

Dahil dito ay umabot na sa kabuuang 299 ang bilang ng mga nasawing OFW na naiuwi sa bansa.

Labin’dalawa aniya sa mga nasawing ofw ay galing sa Jeddah; 21 mula sa Al Khobar at dalawa mula sa Riyadh.

30 sa mga ito ang nasawi dahil sa COVID-19 habang ang iba ay dahil naman sa ibang kadahilanan.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *