Justice Sec. Guevarra opisyal nang inatasan ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Christine Dacera
Opisyal nang ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Sa kaniyang Department Order, inatasan ang NBI sa pamumuno ni NBI OIC Eric Distor na imbestigahan ang pagkasawi ni Dacera.
Iniutos din ni Guevarra ang pagsasama ng reklamo kung may makikitang sapat na batayan laban sa mga napapatunayang sangkot o responsable sa nangyari.
Inatasan si Distor na magsumite ng progress report sa kaso sa loob ng sampung araw. (D. Cargullo)